1 Samuel 15:22
Ang Biblia (1978)
22 At sinabi ni Samuel, (A)Nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain, na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon? Narito, (B)ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake.
Read full chapter
Isaias 1:11
Ang Biblia (1978)
11 Sa anong kapararakan (A)ang karamihan ng inyong mga hain sa akin? sabi ng Panginoon: ako'y puno ng mga handog na susunugin na mga lalaking tupa, at ng mataba sa mga hayop na pinataba; at ako'y hindi nalulugod sa dugo ng mga toro, o ng mga kordero o ng mga kambing na lalake.
Read full chapter
Oseas 6:6
Ang Biblia (1978)
6 Sapagka't ako'y nagnanasa ng kaawaan, (A)at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin.
Read full chapter
Mikas 6:7-8
Ang Biblia (1978)
7 (A)Kalulugdan baga ng Panginoon ang mga libolibong tupa, o ang mga sangpu-sangpung libong ilog na langis? (B)ibibigay ko baga ang aking panganay dahil sa aking pagsalangsang, ang bunga ng aking katawan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa?
8 Kaniyang ipinakilala sa (C)iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Dios.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978