2 Mga Hari 10:29
Ang Biblia (1978)
29 Gayon ma'y ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang (A)pinapagkasala sa Israel, hindi mga hiniwalayan ni Jehu, sa makatuwid baga'y ang pagsunod sa mga (B)guyang ginto na nangasa Beth-el, at nangasa Dan.
Read full chapter
2 Mga Hari 17:16
Ang Biblia (1978)
16 At kanilang iniwan ang lahat na utos ng Panginoon nilang Dios, at nagsigawa ng mga (A)larawang binubo, sa makatuwid baga'y ng dalawang guya, at nagsigawa ng isang (B)Asera, at (C)sinamba ang buong natatanaw sa langit, at (D)nagsipaglingkod kay Baal.
Read full chapter
Oseas 8:5-6
Ang Biblia (1978)
5 Kaniyang inihiwalay ang iyong guya, Oh Samaria; ang aking galit ay nagaalab laban sa kanila: hanggang kailan sila ay magiging mga musmos.
6 Sapagka't mula sa Israel nanggaling ito; ito'y ginawa ng manggagawa, at ito'y hindi Dios; oo, ang guya ng Samaria ay magkakaputolputol.
Read full chapter
Oseas 10:5
Ang Biblia (1978)
5 Ang mga nananahan sa Samaria ay malalagay sa pangingilabot dahil sa (A)mga guya ng (B)Beth-aven; sapagka't ang bayan niyaon ay mananangis doon, at ang mga saserdote niyaon na nangagagalak doon, dahil sa kaluwalhatian niyaon, sapagka't nawala roon.
Read full chapter
Oseas 13:2
Ang Biblia (1978)
2 At ngayo'y nangagkasala sila ng higit at higit, at nagsigawa sila ng mga larawang binubo sa kanilang pilak, mga diosdiosan na ayon sa kanilang unawa, lahat ng yaon ay gawa ng manggagawa: sinasabi nila tungkol sa mga yaon; Magsihalik sa mga guya ang mga tao na nangaghahain.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978