Font Size
Deuteronomio 24:14-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 24:14-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
14 “Huwag(A) ninyong ipagkakait ang kaukulang bayad sa inyong mahihirap at nangangailangang manggagawa, maging siya ma'y kapwa Israelita o dayuhan na nakikipamayan sa inyo. 15 Bago lumubog ang araw, ibigay na ninyo sa kanya ang sweldo niya para sa maghapon sapagkat iyon lamang ang inaasahan niya sa buhay. Kapag hindi ninyo ibinigay agad, at dumaing siya kay Yahweh, iyon ay pananagutan ninyo.
Read full chapter