Genesis 37:34
Ang Biblia (1978)
Ang panangis ni Jacob.
34 At hinapak ni Jacob ang kaniyang mga suot, at kaniyang nilagyan ng magaspang na damit ang kaniyang mga balakang, at tinangisang maraming araw ang kaniyang anak.
Read full chapter
2 Samuel 3:31
Ang Biblia (1978)
Nanangis si David dahil kay Abner.
31 At sinabi ni David kay Joab at sa buong bayan na kasama niya: (A)Hapakin ninyo ang inyong mga suot, at (B)magbigkis kayo ng magaspang na damit, at magluksa kayo sa harap ni Abner. At ang haring si David ay sumunod sa kabaong.
Read full chapter
1 Mga Hari 21:27
Ang Biblia (1978)
27 At nangyari, nang marinig ni Achab ang mga salitang yaon, na kaniyang hinapak ang (A)kaniyang mga damit, at (B)nagsuot ng kayong magaspang sa kaniyang katawan, at (C)nagayuno, at nahiga sa kayong magaspang, at lumakad ng marahan.
Read full chapter
2 Mga Hari 6:30
Ang Biblia (1978)
30 At nangyari, nang marinig ng hari ang mga salita ng babae, na (A)kaniyang hinapak ang kaniyang suot (nagdadaan nga siya sa kuta;) at ang bayan ay tumingin, at, narito, siya'y may magaspang na damit sa loob sa kaniyang katawan.
Read full chapter
Mga Awit 35:13
Ang Biblia (1978)
13 Nguni't tungkol sa akin, nang sila'y may sakit, ang aking suot ay magaspang na kayo:
(A)Aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno;
At ang aking dalangin ay (B)nagbabalik sa aking sariling sinapupunan.
Mga Awit 69:11
Ang Biblia (1978)
11 Nang magsuot ako ng kayong magaspang,
Ay naging kawikaan ako sa kanila.
Isaias 37:1-2
Ang Biblia (1978)
Si Ezechias sa kaniyang pagkabahala ay ipinasundo si Isaias.
37 (A)At nangyari, nang marinig ng haring Ezechias ay hinapak niya ang kaniyang mga suot, at nagbalot ng kayong magaspang, at pumasok sa bahay ng Panginoon.
2 At kaniyang sinugo si Eliacim, na katiwala sa bahay, at si Sebna na kalihim, at ang mga matanda sa mga saserdote, na may balot na kayong magaspang, kay Isaias na propeta na anak ni Amoz
Read full chapter
Joel 1:13
Ang Biblia (1978)
13 Mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, at magsipanaghoy kayong mga (A)saserdote; manambitan kayo, kayong mga tagapangasiwa ng dambana; halikayo, magsihiga kayo magdamag sa kayong magaspang, kayong mga tagapangasiwa ng aking Dios: sapagka't ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng inyong Dios.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978