Isaias 40:11
Ang Biblia (1978)
11 Kaniyang (A)papastulin ang kaniyang kawan, na gaya ng pastor, kaniyang pipisanin ang mga kordero sa kaniyang kamay, at dadalhin sila sa kaniyang sinapupunan, at papatnubayan na marahan yaong mga nagpapasuso.
Read full chapter
Zacarias 13:7
Ang Biblia (1978)
7 Gumising ka, Oh tabak, laban sa (A)pastor ko, at laban sa lalake na aking (B)kasama, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: (C)saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit.
Read full chapter
Juan 21:15
Ang Biblia (1978)
15 Kaya't nang mangakapagpawing gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga ako (A)ng higit kay sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Pakanin mo ang aking mga kordero.
Read full chapter
Juan 21:17
Ang Biblia (1978)
17 Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka't sa kaniya'y sinabing (A)makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978