Isaias 48:20
Ang Biblia, 2001
20 Kayo'y(A) lumabas sa Babilonia, tumakas kayo sa Caldea,
ipahayag ninyo ito sa tinig ng sigaw ng kagalakan, ipahayag ninyo ito,
ibalita ninyo hanggang sa dulo ng lupa;
inyong sabihin, “Tinubos ng Panginoon si Jacob na kanyang lingkod!”
Jeremias 50:8
Ang Biblia, 2001
8 “Tumakas(A) kayo mula sa gitna ng Babilonia, at lumabas kayo sa lupain ng mga Caldeo, at kayo'y maging gaya ng mga lalaking kambing sa harapan ng mga kawan.
Read full chapter
Jeremias 51:6
Ang Biblia, 2001
6 “Tumakas kayo mula sa gitna ng Babilonia,
at iligtas ng bawat tao ang kanyang buhay!
Huwag kayong mapuksa nang dahil sa pagpaparusa sa kanya
sapagkat ito ang panahon ng paghihiganti ng Panginoon;
siya'y kanyang pagbabayarin.
Jeremias 51:45
Ang Biblia, 2001
45 “Lumabas kayo sa kalagitnaan niya, bayan ko!
Iligtas ng bawat isa ang kanyang buhay
mula sa mabangis na galit ng Panginoon!