Font Size
Isaias 53:7-8
Ang Biblia, 2001
Isaias 53:7-8
Ang Biblia, 2001
7 Siya'y(A) (B) inapi, at siya'y sinaktan,
gayunma'y hindi niya ibinuka ang kanyang bibig;
gaya ng kordero na dinadala sa katayan,
at gaya ng tupa na sa harapan ng mga manggugupit sa kanya ay pipi,
kaya't hindi niya ibinuka ang kanyang bibig.
8 Sa pamamagitan ng pang-aapi at paghatol ay inilayo siya;
at tungkol sa kanyang salinlahi,
na itinuring na siya'y itiniwalag sa lupain ng mga buháy,
at sinaktan dahil sa pagsalangsang ng aking bayan.