Isaias 6:9-10
Ang Biblia (1978)
9 At sinabi niya, Ikaw ay yumaon, at saysayin mo sa bayang ito, (A)Inyong naririnig nga, nguni't hindi ninyo nauunawa; at nakikita nga ninyo, nguni't hindi ninyo namamalas.
10 Patabain mo ang puso (B)ng bayang ito, at iyong pabigatin ang kanilang mga pakinig, at iyong ipikit ang kanilang mga mata; baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakarinig ng kanilang mga pakinig, at mangakaunawa ng kanilang puso, at mangagbalik loob, at magsigaling.
Read full chapter
Mateo 13:14
Ang Biblia (1978)
14 At natutupad sa kanila ang hula ni Isaias, na sinasabi,
(A)Sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa;
At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas:
Lucas 8:10
Ang Biblia (1978)
10 At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; (A)upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978