Jeremias 1:9
Ang Biblia (1978)
9 (A)Nang magkagayo'y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at (B)hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig:
Read full chapter
Mateo 10:19
Ang Biblia (1978)
19 Datapuwa't pagka kayo'y ibinigay nila, (A)huwag ninyong ikabalisa kung paano o kung ano ang inyong sasabihin: (B)sapagka't sa oras na yaon ay ipagkakaloob sa inyo ang inyong sasabihin.
Read full chapter
Marcos 13:11
Ang Biblia (1978)
11 At pagka kayo'y dinala sa harap ng mga kapulungan, at kayo'y ibigay, ay (A)huwag kayong mangabalisa kung ano ang inyong sasabihin: datapuwa't ang ipagkaloob sa inyo sa oras na yaon, ay siya ninyong sabihin; sapagka't hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo.
Read full chapter
Lucas 12:11-12
Ang Biblia (1978)
11 At pagka kayo'y dadalhin (A)sa harap ng mga sinagoga, at sa mga pinuno, at sa mga may kapamahalaan, ay huwag kayong mangabalisa kung paano o ano ang inyong isasagot, o kung ano ang inyong sasabihin:
12 Sapagka't ituturo sa inyo ng Espiritu Santo sa oras ding yaon ang inyong dapat sabihin.
Read full chapter
Lucas 21:14-15
Ang Biblia (1978)
14 Pagtibayin nga ninyo ang inyong mga puso, (A)na huwag munang isipin kung paano ang inyong isasagot:
15 Sapagka't bibigyan ko kayo ng (B)isang bibig at karunungan, na hindi mangyayaring masalangsang o matutulan man ng lahat ninyong mga kaalit.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978