Font Size
Lucas 10:21-22
Ang Biblia, 2001
Lucas 10:21-22
Ang Biblia, 2001
Nagalak si Jesus(A)
21 Nang oras ding iyon, nagalak siya sa Espiritu Santo[a] at sinabi, “Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Ama, Panginoon ng langit at lupa, na iyong ikinubli ang mga bagay na ito sa mga marurunong at matatalino at ipinahayag mo ang mga ito sa mga sanggol. Oo, Ama, sapagkat gayon ang nakakalugod sa iyong harapan.
22 Ang(B) lahat ng mga bagay ay ibinigay na sa akin ng aking Ama. Walang nakakakilala sa Anak, maliban sa Ama, at kung sino ang Ama maliban sa Anak at kaninumang ninanais ng Anak na pagpahayagan niya.”
Read full chapterFootnotes
- Lucas 10:21 Sa ibang mga kasulatan ay nagalak siya sa espiritu .