Lucas 24:34
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
34 Sinabi ng mga ito sa dalawa, “Totoo nga palang muling nabuhay ang Panginoon! Nagpakita siya kay Simon!”
Read full chapter
Mateo 28:16-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isinugo ni Jesus ang Kanyang mga Alagad(A)
16 Pumunta(B) ang labing-isang alagad sa Galilea, sa bundok na sinabi sa kanila ni Jesus. 17 Nang makita nila si Jesus, siya'y sinamba nila, subalit may ilan sa kanilang nag-alinlangan.
Read full chapter
Marcos 16:14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pinagalitan ni Jesus ang Labing-isa(A)
14 Pagkatapos, nagpakita si Jesus sa labing-isang alagad habang kumakain ang mga ito. Sila ay pinagalitan niya dahil sa hindi nila pananalig sa kanya at dahil sa katigasan ng kanilang ulo, dahil ayaw nilang maniwala sa mga nakakita sa kanya pagkatapos na siya'y muling mabuhay.
Read full chapter
Lucas 24:36
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nagpakita si Jesus sa Kanyang mga Alagad(A)
36 Habang pinag-uusapan nila ito, tumayo si Jesus sa kalagitnaan nila [at nagsabi, “Sumainyo ang kapayapaan!”][a]
Read full chapterFootnotes
- 36 at nagsabi...ang kapayapaan: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
Juan 20:19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nagpakita si Jesus sa Kanyang mga Alagad(A)
19 Kinagabihan ng araw ding iyon na unang araw ng linggo, habang nakasara ang mga pinto ng bahay na kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot nila sa mga Judio, dumating si Jesus. Tumayo siya sa kalagitnaan nila at sinabi, “Sumainyo ang kapayapaan!”
Read full chapter