Mateo 11:25-27
Ang Biblia, 2001
Ang Dakilang Paanyaya(A)
25 Nang oras na iyon ay sinabi ni Jesus, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol;
26 oo, Ama, sapagkat gayon ang mapagpala mong kalooban.[a]
27 Ang(B) lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at walang nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at sinumang piliin ng Anak na pagpahayagan niya.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 11:26 o sapagkat iyon ang kalugud-lugod sa iyong paningin .
Mateo 13:16-17
Ang Biblia, 2001
16 Ngunit(A) mapapalad ang inyong mga mata, sapagkat ang mga ito'y nakakakita; at ang inyong mga tainga, sapagkat ang mga ito'y nakakarinig.
17 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at mga taong matuwid ang naghangad na makita ang inyong nakikita, ngunit hindi nila nakita; at marinig ang inyong naririnig, ngunit hindi nila ito narinig.
Read full chapter