Mga Awit 115:16
Ang Biblia (1978)
16 (A)Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon;
Nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao.
Daniel 4:17
Ang Biblia (1978)
17 Ang hatol ay sa pamamagitan ng pasiya ng (A)mga bantay, at ang utos ay sa pamamagitan ng salita ng mga banal; (B)upang makilala ng mga may buhay (C)na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay niya ito sa kanino mang kaniyang ibigin, at itinataas niya sa kaniya ang pinakamababa sa mga tao.
Read full chapter
Daniel 4:25
Ang Biblia (1978)
25 Na ikaw ay (A)mahihiwalay sa mga tao, at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang, at ikaw ay (B)pakakanin ng damo na gaya ng mga baka, at mababasa ka ng hamog ng langit, at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at nagbibigay niyaon sa kanino mang ibigin niya.
Read full chapter
Daniel 4:32
Ang Biblia (1978)
32 At ikaw ay palalayasin (A)sa mga tao; at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang; ikaw ay pakakanin ng damo na gaya ng mga baka; at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay sa kanino mang kaniyang ibigin.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978