Mga Awit 46:9
Ang Biblia (1978)
9 (A)Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa;
Kaniyang binabali ang busog, at pinuputol ang sibat;
Kaniyang sinusunog ang mga karo sa apoy.
Oseas 2:18
Ang Biblia (1978)
18 At sa araw na yaon ay ipakikipagtipan ko (A)sila sa mga hayop sa parang, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga bagay na nagsisiusad sa lupa: at (B)aking babaliin ang busog at ang tabak, at patitigilin ko ang pagbabaka sa lupain, at akin silang pahihigaing (C)tiwasay.
Read full chapter
Zacarias 9:10
Ang Biblia (1978)
10 At (A)aking ihihiwalay ang karo mula sa Ephraim, at ang kabayo'y mula sa Jerusalem; at ang mga busog na pangbaka ay mapuputol; at siya'y magsasalita ng (B)kapayapaan sa mga bansa: at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging (C)sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978