Mga Bilang 4:15
Ang Biblia (1978)
15 At pagka si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nakatapos na makapagtakip sa santuario at sa buong kasangkapan ng santuario, kailan ma't isusulong ang kampamento: ay magsisilapit pagkatapos ang mga (A)anak ni Koath upang kanilang buhatin yaon: (B)datapuwa't huwag silang hihipo sa santuario, baka sila'y mamatay. Ang mga bagay na ito ay siyang pasanin ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan.
Read full chapter
Josue 3:3
Ang Biblia (1978)
3 (A)At sila'y nagutos sa bayan, na sinasabi, Pagka inyong nakita ang kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, (B)at dinadala ng mga saserdote na Levita, ay kikilos nga kayo sa inyong dako at susunod doon.
Read full chapter
1 Cronica 15:15
Ang Biblia (1978)
15 At pinisan ng mga anak ng mga Levita ang kaban ng Dios sa kanilang mga balikat sa pamamagitan ng mga (A)pingga niyaon, gaya (B)ng iniutos ni Moises ayon sa salita ng Panginoon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978