Add parallel Print Page Options

Kayo namang mga asawang lalaki, manahan kayong may pang-unawa kasama ng inyong asawa tulad ng isang mahinang sisidlan. Bigyan ninyo sila ng karangalan sapagkat kapwa ninyo silang tagapagmana ng biyaya ng buhay. Sa gayon ay walang magiging hadlang sa inyong mga panalangin.

Pagdanas ng Hirap sa Paggawa ng Mabuti

Katapus-tapusan, magkaisa kayo, magdamayan, magma­halan bilang magkakapatid. Kayo ay maging maawain at mapagkaibigan.

Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong alipustain ang umaalipusta sa inyo. Sa halip, gantihan ninyo sila ng pagpapala sapagkat tinawag kayo upang gawin ito, upang kayo ay magmana ng pagpapala.

Read full chapter