1 Samuel 5:6
Ang Biblia (1978)
Ang mga bayan ng Filisteo ay pinarusahan.
6 Nguni't (A)ang kamay ng Panginoon ay bumigat sa mga taga Asdod, at mga (B)ipinahamak niya, at mga sinaktan ng mga (C)bukol, sa makatuwid baga'y ang Asdod at ang mga hangganan niyaon.
Read full chapter
1 Samuel 5:9
Ang Biblia (1978)
9 At nangyari, na pagkatapos na kanilang madala, (A)ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa bayan, na nagkaroon ng malaking pagkalito: at sinaktan niya ang mga tao sa bayan, ang maliit at gayon din ang malaki; at mga bukol ay sumibol sa kanila.
Read full chapter
1 Samuel 5:11
Ang Biblia (1978)
11 Pinasuguan nga nilang magpipisan ang lahat ng pangulo ng mga Filisteo, at kanilang sinabi, Ipadala ninyo ang kaban ng Dios ng Israel, at ipabalik ninyo sa kaniyang sariling dako, upang huwag kaming patayin at ang aming bayan. Sapagka't nagkaroon ng panglitong ikamamatay sa buong bayan: (A)ang kamay ng Dios ay totoong bumigat doon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978