Add parallel Print Page Options

Masaganang Paghahasik

Ito ang sinasabi ko: Ang naghahasik ng kaunti ay aani naman ng kaunti. Ang naghahasik nang sagana ay aani naman nang sagana.

Magbigay ang bawat isa ayon sa ipinasya ng kaniyang puso, hindi sa kalungkutan o sa pangangailangan sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay ng masaya. Magagawa ng Diyos na pasaganain sa inyo ang bawat biyaya upang sa lahat ng paraan ay magkaroon kayo ng kasapatan at sumagana kayo sa bawat mabuting gawa.

Read full chapter