2 Mga Hari 21:6
Ang Biblia (1978)
6 (A)At kaniyang pinaraan ang kaniyang anak sa apoy, at (B)nagpamahiin, at (C)nagsanay ng panghuhula, at (D)nakipagsanggunian sa masamang espiritu, at sa mga mahiko: siya'y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa galit.
Read full chapter
2 Cronica 28:3
Ang Biblia (1978)
3 (A)Bukod dito'y nagsunog siya ng kamangyan sa (B)libis ng anak ni Hinnom, at (C)sinunog ang kaniyang mga anak sa apoy, ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa, na mga pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel.
Read full chapter
2 Cronica 33:6
Ang Biblia (1978)
6 Kaniya rin namang pinaraan ang kaniyang mga anak sa apoy sa (A)libis ng anak ni Hinnom: (B)at siya'y nagpamahiin, at nagsanay ng panggagaway at nanghula, at nakipagsanggunian sa mga masamang espiritu, at sa mga mahiko: siya'y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa galit.
Read full chapter
Jeremias 32:35
Ang Biblia (1978)
35 At kanilang itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, na nasa libis ng anak ni Hinnom, upang paraanin (A)sa apoy ang kanilang mga anak na lalake at babae (B)kay Moloch; na hindi ko iniutos sa kanila o nasok man sa aking pagiisip, na kanilang gawin ang kasuklamsuklam na ito; (C)na pinapagkasala ang Juda.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978