2 Mga Hari 24:14-15
Magandang Balita Biblia
14 Dinala niyang bihag ang lahat ng taga-Jerusalem: ang mga pinuno, mga kawal, mga dalubhasa at mga panday. Lahat-lahat ay umabot sa sampung libo. Wala silang itinira liban sa mga dukha.
15 Tinangay(A) nga ni Nebucadnezar sa Babilonia si Jehoiakin, ang ina nito, mga asawa, mga pinuno at lahat ng pangunahing mamamayan sa Jerusalem.
Read full chapter
2 Cronica 36:10
Magandang Balita Biblia
10 Sa(A) pagtatapos ng taon, ipinakuha siya ni Haring Nebucadnezar pati ang mahahalagang kagamitan sa Templo at dinala sa Babilonia. Ang ipinalit sa kanya bilang hari ay si Zedekias na kanyang tiyuhin.[a]
Read full chapterFootnotes
- 2 Cronica 36:10 tiyuhin: Sa ibang manuskrito'y kapatid .
Jeremias 27:20
Magandang Balita Biblia
20 Ang mga ito'y hindi kinuha ni Haring Nebucadnezar nang dalhin niyang bihag sa Babilonia si Haring Jeconias na anak ni Jehoiakim ng Juda, pati ang kanyang mga pinunong nasa Juda at Jerusalem.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.