Add parallel Print Page Options

Kaya nga, mga minamahal, yamang nasa atin ang mga pangakong ito, linisin natin ang ating sarili sa lahat ng karumihan ng laman at espiritu. Lubusin natin ang ating kabanalan sa pagkatakot sa Diyos.

Ang Kagalakan ni Pablo

Tanggapin ninyo kami. Wala kaming ginawang mali kaninuman, ni gumawa ng masama kaninuman, ni nag­samantala kaninuman.

Hindi ako nagsasalita upang hatulan kayo sapagkat sinabi ko na noong una na kayo ay nasa aming puso upang mamatay kasama namin at mabuhay na kasama namin. Lubos ang aking katapanganpatungkol sa inyo, ipinagmamalaki ko kayo nang husto. Pinalakas ninyo nang lubusan ang aking kalooban, nag-uumapaw ako sa kagalakan sa lahat ng aming paghihirap.

Ito ay sapagkat noong dumating kami sa Macedonia, totoong ang aming katawan ay walang pahinga. Pinahihirapan kami sa lahat ng paraan. Sa labas ay may pakikipaglaban at sa loob ay pagkatakot. Ngunit ang Diyos na nagpapalakas ng loob ng mga mababang kalagayan ay nagpalakas ng loob sa amin at ito ay sa pamamagitan ng pagdating ni Tito. Hindi lamang ang pagdating niya ang nagpalakas ng loob sa amin subalit maging ang kaaliwang tinanggap niya sa inyo. Sinabi niya sa amin ang pananabik ninyong makita ako at ang inyong kalungkutan. Sinabi niya ang inyong maalab na pagmamahal sa akin at dahil samga ito, ako ay lalong nagalak.

Kung napighati ko kayo sa aking liham, sa ngayon hindi ko pinagsisisihan iyon, bagama’t iyon ay pinagsisihan ko na noon. Ito ay sapagkat alam ko na ang liham kong iyon ay pumighati sa inyo kahit na sa maikling panahon. Ako ngayon ay nagagalak, hindi dahil sa napighati kayo, subalit dahil sa napighati kayo patungo sa pagsisisi. Ito ay sapagkat napighati kayo ayon sa kaparaanan ng Diyos upang hindi kayo mawalan ng anuman. 10 Ito ay sapagkat ang kapighatiang mula sa Diyos ay nagdudulot ng pagsisising patungo sa kaligtasan at hindi dapat pagsisihan. Ang kapighatiang mula sa sanlibutan ay nagdudulot ng kamatayan. 11 Sapagkat narito, ang inyong kapighatiang mula sa Diyos ay nagdulot ng kasigasigan na malinis ninyo ang inyong pangalan. Nagdulot ito ng inyong lubhang pagkagalit, pagkatakot, pananabik, pagsusumigasig at paghahangad ng katarungan. Sa lahat ng bagay pinatunayan ninyong dalisay ang inyong mga sarili sa bagay na ito. 12 Kaya nga, kahit na ako ay sumulat sa inyo, ito ay hindi dahil sa isang gumawa ng pagkakamali ni alang-alang sa ginawan ng pagkakamali. Subalit sumulat ako sa inyo upang ang aming pagsusumigasig para sa inyo ay maging hayag sa inyo sa harap ng Diyos.

13 Dahil dito, lumakas ang aming kalooban dahil sa kala­kasan ng inyong kalooban. Lalo kaming lubos na nagalak sa kagalakan ni Tito dahil napagpanibagong-sigla ninyong lahat ang kaniyang espiritu. 14 Ito ay sapagkat ipinagmalaki ko kayo sa kaniya at hindi ako napahiya. Ang lahat ng mga bagay na sinabi namin sa inyo ay totoo. Maging ang pagmamalaki ko sa inyo kay Tito ay totoo. 15 Ang paggiliw niya sa inyo ay lalong sumagana. Naaalala niya ang pagsunod ninyong lahat at ang pagtanggap ninyo sa kaniya na may takot at panginginig. 16 Nagagalak ako na sa lahat ng mga bagay ay mapagkaka­tiwalaan ko kayo.

Mga minamahal, yamang mayroon tayong mga ganitong pangako, linisin natin ang ating mga sarili sa lahat ng nagpaparumi ng katawan at ng espiritu, at gawin nating lubusan ang kabanalan nang may takot sa Diyos.

Ang Kagalakan ni Pablo

Buksan ninyo sa amin ang inyong mga puso. Wala kaming inaping sinuman. Wala kaming sinirang sinuman. Wala kaming pinagsamantalahan. Hindi ko sinasabi ito upang husgahan kayo, sapagkat sinabi ko na nang una pa, na kayo'y nasa aming mga puso, anupa't kami'y handang mamatay at mabuhay na kasama ninyo. Malaki ang tiwala ko sa inyo. Labis ko kayong ipinagmamalaki. Punung-puno ako ng lakas ng loob. Nag-uumapaw ang aking kagalakan sa kabila ng aming paghihirap.

Sapagkat (A) maging nang dumating kami sa Macedonia ay walang pahinga ang aming mga katawan, sa halip ay kabi-kabila ang pagpapahirap sa amin—sa labas ay may pakikipaglaban, sa loob naman ay may takot. Ngunit pinasigla kami ng Diyos, na siyang nagpapasigla sa mga nalulungkot sa pamamagitan ng pagdating ni Tito, at hindi lamang sa pamamagitan ng kanyang pagdating, kundi sa pamamagitan din ng kasiglahang ibinigay ninyo sa kanya. Ibinalita niya sa amin ang inyong pananabik, ang inyong matinding kalungkutan, at ang inyong pagmamalasakit para sa akin, at ang mga ito'y lalo ko pang ikinagalak. Sapagkat kahit pinalungkot ko kayo sa pamamagitan ng aking sulat, hindi ko ito ipinagdaramdam, bagama't nagdamdam din ako, sapagkat nalaman ko na ang sulat na iyon ay nakapagpalungkot sa inyo, kahit sa maikling panahon lamang. Ngayon, ako'y nagagalak hindi dahil sa kayo'y nalungkot, kundi dahil ang inyong kalungkutan ang nagdala sa inyo sa pagsisisi. Sapagkat kayo'y nalungkot nang ayon sa kalooban ng Diyos, upang kayo'y huwag dumanas ng kalugihan sa pamamagitan namin. 10 Sapagkat ang kalungkutang ayon sa kalooban ng Diyos ay nagbubunga ng tunay na pagsisisi tungo sa kaligtasan, ngunit ang kalungkutang ayon sa sanlibutan ay nagbubunga ng kamatayan. 11 Tingnan ninyo ngayon ang nagawa sa inyo ng kalungkutang ito na naaayon sa Diyos: kung anong pagsisikap upang ipagtanggol ang inyong mga sarili, kung anong pagkagalit, kung anong pangamba, pananabik, pagmamalasakit, at pagnanais na maigawad ang katarungan! Lubos ninyong napatunayan na kayo'y walang sala tungkol sa bagay na ito. 12 Kaya't bagaman ako ay sumulat sa inyo, iyon ay hindi dahil sa taong gumawa ng kamalian, at hindi rin dahil sa taong ginawan ng kamalian, kundi upang maging malinaw sa inyo na kayo'y may pagmamalasakit para sa amin sa harapan ng Diyos. 13 Dahil dito'y napasigla kami.

Bukod sa aming sariling kasiglahan ay lalo pa kaming natuwa dahil sa kagalakan ni Tito, sapagkat pinaginhawa ninyo ang kanyang espiritu. 14 Ipinagmalaki ko kayo sa kanya at hindi naman ako napahiya. Kung paanong ang lahat ng aming sinabi sa inyo ay totoo, napatunayan din namang totoo ang aming pagmamalaki tungkol sa inyo kay Tito. 15 At lalo pang lumaki ang pagmamahal niya sa inyo kapag naaalala niya na kayong lahat ay masunurin, at kung paanong tinanggap ninyo siya na may takot at panginginig. 16 Ikinagagalak kong lubos ang pagtitiwala ko sa inyo.

(A)Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, (B)ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios.

Buksan ninyo sa amin ang inyong mga puso: (C)hindi namin inapi ang sinoman, hindi namin ipinasama ang sinoman, (D)hindi namin dinaya ang sinoman.

Hindi ko sinasabi ito upang kayo'y hatulan: sapagka't (E)sinabi ko na nang una, na kayo'y nasa aming mga puso upang magkasamang mamatay at magkasamang mabuhay.

Malaki ang (F)katapangan ko ng pagsasalita sa inyo, malaki ang aking kapurihan dahil sa inyo: (G)ako'y puspos ng kaaliwan, (H)nananagana sa katuwaan sa lahat ng aming kapighatian.

Sapagka't nagsidating (I)man kami sa Macedonia ang aming laman ay hindi nagkaroon ng katiwasayan, kundi (J)sa lahat kami ay pinipighati; sa labas ay mga pagbabaka, sa loob ay mga katakutan.

Gayon man ang (K)Dios na umaaliw sa mabababang-loob, ay kami'y inaliw (L)sa pamamagitan ng pagdating ni (M)Tito;

At hindi lamang sa kaniyang pagdating, kundi naman sa kaaliwan ng inialiw sa kaniya dahil sa inyo, nang sa amin ay ibalita niya ang inyong pananabik, ang inyong kalumbayan, ang inyong pagmamalasakit dahil sa akin; ano pa't ako'y lubha pang nagalak.

Sapagka't (N)bagaman ako'y nakapagpalumbay sa inyo sa aking sulat, ay hindi ko dinaramdam: bagama't aking dinamdam (sapagka't akin ngang natatalastas na ang sulat na yaon ay nakapagpalumbay sa inyo, bagama't sa maikling panahon lamang),

Ngayo'y nagagalak ako, hindi dahil sa inyong pagkalumbay, kundi dahil sa inyong mga pagkalumbay na ikapagsisisi; sapagka't kayo'y pinalumbay sa paraang ukol sa Dios, upang sa anoman ay huwag kayong mangagkaroon ng kalugihan dahil sa amin.

10 Sapagka't (O)ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng (P)pagsisisi sa ikaliligtas, (Q)na hindi ikalulungkot: datapuwa't ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay.

11 Narito nga, ito rin ang inyong ikinalulumbay na mula sa Dios, gaanong sikap na pagiingat ang sa inyo'y ginawa, oo't gaanong pagtatanggol ng inyong sarili, oo't gaanong pagkagalit, oo't (R)gaanong katakutan, oo't gaanong pananabik, oo't gaanong pagmamalasakit, oo't gaanong (S)paghihiganti! Sa lahat ay napakita kayong dalisay (T)sa bagay na ito.

12 Kaya nga, bagama't ako'y sumulat sa inyo, ay hindi dahil doon sa gumawa ng kamalian, ni (U)dahil doon sa nagbata ng kamalian, (V)kundi upang maihayag sa inyo ang inyong masikap na pagiingat sa amin sa harapan ng Dios.

13 Kaya't kami'y pawang nangaaliw: at sa aming pagkaaliw ay bagkus pang nangagalak kami dahil sa kagalakan ni (W)Tito, sapagka't ang kaniyang espiritu ay inaliw ninyong lahat.

14 Sapagka't (X)kung ako ay nagmapuri ng anoman sa kaniya dahil sa inyo, ay hindi ako nahiya; datapuwa't kung paanong sinabi namin ang lahat ng mga bagay sa inyo sa katotohanan, ay gayon din naman ang aming pagmamapuri na ginawa ko sa harap ni Tito ay nasumpungang totoo.

15 At ang kaniyang (Y)pagibig ay lubha pang nanagana sa inyo, samantalang naaalaala niya (Z)ang pagtalima ninyong lahat, kung paanong siya'y tinanggap ninyo na may takot at panginginig.

16 Ako'y nagagalak na sa lahat ng mga bagay ay mayroon akong lubos na pagtitiwala sa inyo.