Add parallel Print Page Options

Ang labis na nagmamahal sa ginto ay mahirap maging banal,
    ang gahaman sa pagkita ay malamang magkasala.
Dahil sa salapi ay marami nang bumagsak
    at lubusang napahamak.
Para sa mga sumasamba sa salapi ito ay isang patibong,
    at maraming mga hangal ang nahulog doon.
Mapalad ang yumaman nang hindi nagkasala,
    na hindi nagpakahibang sa paghabol sa salapi.
Sino siya na dapat nating parangalan?
    Siya lamang sa kanyang lahi ang nakagawa ng gayong kamangha-manghang bagay.
10 Sino ang nakaranas ng gayong pagsubok at nagtagumpay?
    May katuwiran siyang ipagmalaki ito.
Nagkaroon siya ng pagkakataong magkasala, ngunit hindi siya nagkasala.
    Maaari siyang gumawa ng masama, ngunit hindi niya ginawa.

Read full chapter