Add parallel Print Page Options

17 Ang dalangin ng mapagpakumbaba ay tumatagos sa mga ulap
    at hindi tumitigil hanggang di umaabot sa Panginoon;
hindi humihinto hanggang di pinapansin ng Kataas-taasan,
    at iginagawad ang katarungan para sa mga taong nasa katuwiran.
18 Hindi na magtatagal at kikilos ang Panginoon,
    hindi niya ipagpapabukas pa ang pagpaparusa sa masasama.
Babaliin niya ang likod ng malulupit,
    paghihigantihan niya ang mga bansa.
Lilipulin niya ang mga palalo,
    dudurugin niya ang kapangyarihan ng mga makasalanan.
19 Gagantihan niya ang bawat isa ayon sa nararapat sa kanya,
    at hahatulan ang kanilang gawa ayon sa kanilang nasa.
Igagawad niya ang katarungan sa kanyang bayan,
    at sila'y magsasaya sa lilim ng kanyang habag.

Read full chapter