Add parallel Print Page Options

24 Mayroon kang mga anak na babae? Pangalagaan mo ang kanilang pagkabirhen.
    Huwag mo silang palalayawin nang labis.
25 Kapag nag-asawa na ang iyong anak na babae, natapos mo na ang isang mabigat na responsibilidad.
Ngunit sikapin mong ang mapangasawa niya'y isang lalaking maunawain.

Read full chapter

10 Pangalagaan mong mabuti ang sutil mong anak na babae;
    upang huwag makapagsamantala kung may pagkakataon.
11 Bantayan mong lagi ang kanyang mahalay na sulyap;
    at huwag kang magtaka kung ipahamak ka niya.
12 Uhaw na manlalakbay ang kanyang kawangis,
    walang takot na iinom sa alinmang batis.
Mahihiga siya sa alinmang silid,
    at sa sinumang lalaki'y makikipagtalik.

Read full chapter