Add parallel Print Page Options

32 Maging bukas-palad ka sa mahihirap,
    nang maging ganap ang pagpapala sa iyo ng Panginoon.
33 Magmagandang-loob ka sa mga buháy,
    at huwag mong ipagkait ang tulong mo sa mga patay.
34 Makiramay ka sa mga naulila ng isang mahal sa buhay,
    at makidalamhati ka sa kanila.
35 Huwag mong kaliligtaan ang pagdalaw sa mga maysakit,
    sapagkat kapag ginawa mo ito, mamahalin ka nila.
36 Anuman ang gawin mo, alalahanin mo ang iyong huling hantungan
    at hindi ka magkakasala.

Read full chapter