Eclesiastes 2:11
Ang Biblia (1978)
11 Nang magkagayo'y minasdan ko ang lahat ng mga gawa, na ginawa ng aking mga kamay, at ang gawain na aking pinagsikapang gawin; at, narito, (A)lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala, at (B)walang pakinabang sa ilalim ng araw.
Read full chapter
Eclesiastes 2:17
Ang Biblia (1978)
17 Sa gayo'y ipinagtanim ko ang buhay; sapagka't ang gawa na ginawa sa ilalim ng araw ay mapanglaw sa akin: sapagka't lahat ay (A)walang kabuluhan at nauuwi sa wala.
Read full chapter
Eclesiastes 2:26
Ang Biblia (1978)
26 Sapagka't ang tao na kinaluluguran niya, binibigyan ng Dios ng karunungan, at kaalaman, at kagalakan: nguni't ang makasalanan ay binibigyan niya ng damdam, na magpisan at magbunton, (A)upang maibigay sa kaniya na kinaluluguran ng Dios. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.
Read full chapter
Eclesiastes 4:4
Ang Biblia (1978)
4 Nang magkagayo'y nakita ko ang lahat na gawa, at bawa't gawang mainam na dahil dito ay pinananaghilian ang tao ng kaniyang kapuwa. (A)Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978