Efeso 2:1-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mula Kamatayan Tungo sa Buhay
2 Kayo (A) noon ay mga patay dahil sa inyong mga pagsuway at mga pagkakasala. 2 Namuhay[a] kayo noon ayon sa takbo ng sanlibutang ito at sumunod sa pinuno ng kapangyarihan ng himpapawid, ang espiritung kumikilos ngayon sa mga anak ng pagsuway. 3 Tayong lahat ay kasama nila noon na namuhay sa mga pagnanasa ng laman at pinagbibigyan natin ang mga hilig ng laman at ng pag-iisip. Tayo noon ayon sa kalikasan ay katulad ng iba na kabilang sa mga taong kinapopootan ng Diyos. 4 Ngunit ang Diyos, na mayaman sa awa, dahil sa kanyang dakilang pag-ibig sa atin, 5 kahit noong tayo'y mga patay pa dahil sa ating mga pagsuway, ay binuhay niyang kasama ni Cristo. Dahil sa biyaya tayo'y iniligtas.
Read full chapterFootnotes
- Efeso 2:2 Namuhay, sa Griyego, lumakad
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.