Exodo 15:18
Magandang Balita Biblia
18 Ikaw, Yahweh, ay maghahari magpakailanpaman.”
Daniel 2:44
Magandang Balita Biblia
44 Sa panahon ng mga haring iyon, ang Diyos sa kalangitan ay magtatatag ng isang kahariang hindi maibabagsak kailanman, ni masasakop ninuman. Dudurugin nito at ganap na wawasakin ang iba pang kaharian, at mananatili ito magpakailanman. Kaya't hindi na makakabangon ang mga iyon kahit kailan.
Read full chapter
Daniel 7:14
Magandang Balita Biblia
14 Binigyan(A) siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian upang paglingkuran siya ng lahat ng tao sa bawat bansa at wika. Ang pamamahala niya ay hindi magwawakas, at ang kanyang kaharian ay hindi mawawasak.
Read full chapter
Daniel 7:27
Magandang Balita Biblia
27 Ang(A) kaharian at ang karangalan ng mga kaharian sa buong daigdig ay ibibigay sa mga hinirang ng Kataas-taasang Diyos. Sila ay maghahari magpakailanman. Maglilingkod at susunod sa kanila ang lahat ng kaharian.”
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.