Exodo 19:10
Ang Biblia (1978)
10 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pumaroon ka sa bayan at papagbanalin mo sila ngayon at bukas (A)at labhan nila ang kanilang mga damit,
Read full chapter
Exodo 19:14-15
Ang Biblia (1978)
14 At (A)bumaba si Moises sa bayan mula sa bundok, at pinakabanal ang bayan, at sila'y naglaba ng kanilang mga damit.
15 At kaniyang sinabi sa bayan, (B)humanda kayo sa ikatlong araw; huwag kayong sumiping sa babae.
Read full chapter
Levitico 20:7
Ang Biblia (1978)
7 (A)Magpakabanal nga kayo at kayo'y maging banal; sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.
Read full chapter
Mga Bilang 11:18
Ang Biblia (1978)
18 At sabihin mo (A)sa bayan, Magpakabanal kayo, para sa kinabukasan, at kayo'y magsisikain ng karne: sapagka't kayo'y nagsisiiyak sa pakinig ng Panginoon, na sinasabi, Sinong magbibigay sa amin ng karne na aming makakain? sapagka't maigi kahit nang nasa Egipto: dahil dito bibigyan kayo ng Panginoon ng karne at kakain kayo.
Read full chapter
Josue 7:13
Ang Biblia (1978)
13 Bumangon ka, papagbanalin mo ang bayan, at sabihin mo, (A)Mangagpakabanal kayo sa kinabukasan: sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, May itinalagang bagay sa gitna mo, Oh Israel: ikaw ay hindi makatatayo sa harap ng iyong mga kaaway, hanggang sa inyong alisin ang itinalagang bagay sa gitna ninyo.
Read full chapter
1 Samuel 16:5
Ang Biblia (1978)
5 At kaniyang sinabi, May kapayapaan: ako'y naparito upang maghain sa Panginoon: (A)magpakabanal kayo at sumama kayo sa akin sa paghahain. At pinapagbanal niya si Isai at ang kaniyang mga anak, at tinawag niya sila sa paghahain.
Read full chapter
Joel 2:16
Ang Biblia (1978)
16 Tipunin ninyo ang bayan, (A)banalin ang kapisanan, pisanin ang mga matanda, tipunin ang mga bata, at yaong mga pasusuhin; (B)lumabas ang bagong kasal na lalake sa kaniyang silid, at ang bagong kasal na babae sa kaniyang silid.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978