Add parallel Print Page Options

18 Mayroon ako ng lahat ng bagay at sumasagana. Napunan na ang aking pangangailangan dahil sa natanggap ko mula kay Epafrodito ang mga bagay na ipinadala ninyo. Ito ay samyo na mahali­muyak, isang haing katanggap-tanggap at kalugud-lugod sa Diyos. 19 Ngunit ang aking Diyos ang magpupuno sa inyo ng lahat ng inyong pangangailangan ayon sa kaniyang kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.

20 Ngayon, sa ating Diyos at Ama ang kaluwalhatian magpakailan pa man. Siya nawa.

Read full chapter