Add parallel Print Page Options

Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang (A)lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.

Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan.

(B)At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, (C)kung hindi tayo manganghihimagod.

Read full chapter