Add parallel Print Page Options

Huwag ninyong hayaang kayo ay mailigaw. Hindi mo maaaring libakin ang Diyos sapagkat anuman ang inihasik ng isang tao, iyon din ang kaniyang aanihin. Ang naghahasik sa kaniyang laman ay mag-aani ng kabulukang mula sa laman. Ngunit ang naghahasik sa Espiritu ay mag-aani ng buhay ng walang hanggan. Ngunit kung tayo ay gumagawa ng mabuti, hindi tayo dapat na panghinaan ng loob. Ito ay sapagkat tayo ay aani kung hindi tayo manlulupaypay sa pagdating ng takdang panahon.

Read full chapter