Font Size
Genesis 17:4-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Genesis 17:4-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 “Ito ang aking tipan sa iyo: Ikaw ay magiging ama ng maraming bansa. 5 Hindi(A) na Abram ang itatawag sa iyo kundi Abraham,[a] sapagkat ngayo'y ginagawa kitang ama ng maraming bansa. 6 Pararamihin ko nga ang iyong lahi at magtatatag sila ng mga bansa; at may magiging hari sa kanila.
7 “Tutuparin(B) ko ang aking pangako sa iyo at sa iyong lahi habang panahon, at ako'y magiging Diyos ninyo. 8 Ibibigay(C) ko sa iyo at sa iyong magiging lahi ang lupaing ito ng Canaan na iyong tinitirhan ngayon bilang isang dayuhan. Ito ang magiging pag-aari nila sa habang panahon, at ako ang kanilang magiging Diyos.”
Read full chapterFootnotes
- 5 ABRAHAM: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Abraham” at “ama ng maraming bansa” ay magkasintunog.