Add parallel Print Page Options

Mga Pagsubok at mga Tukso

Mga kapatid ko, ituring ninyong buong kagalakan kapag dumaranas kayo ng iba’t ibang uri ng pagsubok.

Nalalaman ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagbubunga ng pagtitiis. Ngunit hayaan ninyong ang pagtitiis ay magkaroon ng kaniyang ganap na gawa upang kayo ay maging ganap at buo. Sa gayon, kayo ay maging ganap at lubos na walang anumang kakulangan.

Read full chapter

Pananampalataya at Karunungan

Ituring ninyong tunay na kagalakan, mga kapatid, kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang pagsubok, sapagkat alam ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagbubunga ng katatagan. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y dumating sa hustong gulang, ganap at walang kakulangan.

Read full chapter

Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso;

Yamang nalalaman (A)na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay (B)gumagawa ng pagtitiis.

At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging (C)sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan.

Read full chapter