Job 22:29
Ang Biblia (1978)
29 Pagka inilulugmok ka nila, ay iyong sasabihin: Magpakataas;
At ililigtas niya (A)ang mapagpakumbabang tao.
Mga Kawikaan 15:33
Ang Biblia (1978)
33 (A)Ang pagkatakot sa Panginoon ay turo ng (B)karunungan;
At sa unahan ng karangalan ay nagpapauna ang pagpapakumbaba.
Mga Kawikaan 18:12
Ang Biblia (1978)
12 (A)Bago ang pagkapahamak ay pagmamalaki ng puso ng tao,
At bago ang karangalan ang pagpapakumbaba.
Daniel 4:37
Ang Biblia (1978)
37 Ngayo'y akong si Nabucodonosor ay (A)pumupuri, at nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng langit; (B)sapagka't ang lahat niyang gawa ay katotohanan, at ang kaniyang mga daan ay kahatulan; at (C)yaong nagsisilakad sa kapalaluan ay kaniyang mapabababa.
Read full chapter
Mateo 23:12
Ang Biblia (1978)
12 At sinomang nagmamataas (A)ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas.
Read full chapter
Santiago 4:6
Ang Biblia (1978)
6 Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang (A)Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978