Add parallel Print Page Options

Tatlong taon at apat na buwan nang biyuda si Judith. Nang(A) siya'y mabiyuda, pinalagyan niya ng bubong ang itaas ng kanyang bahay at doon siya namalagi at di nag-aalis ng damit-panluksa. Sa loob ng panahong iyon, nag-aayuno siya araw-araw, maliban kung bisperas ng Araw ng Pamamahinga at kung mismong Araw ng Pamamahinga, kung bisperas ng bagong buwan at kung mismong bagong buwan, at kapag may kapistahan at mga araw ng pagdiriwang ang Israel.

Read full chapter