Levitico 21:15
Ang Biblia (1978)
15 At huwag niyang dudumhan ang kaniyang mga binhi sa gitna ng kaniyang bayan: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kaniya.
Read full chapter
Levitico 21:23
Ang Biblia (1978)
23 Hindi lamang siya papasok sa loob ng tabing, o lalapit man sa dambana, sapagka't may kapintasan siya; upang (A)huwag niyang lapastanganin ang aking mga santuario: sapagka't (B)ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.
Read full chapter
Levitico 11:44
Ang Biblia (1978)
44 Sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios: magpakabanal nga kayo at (A)kayo'y maging mga banal; sapagka't ako'y banal: ni huwag kayong magpakahawa sa anomang umuusad na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.
Read full chapter
Levitico 20:7-8
Ang Biblia (1978)
7 (A)Magpakabanal nga kayo at kayo'y maging banal; sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.
8 At iingatan ninyo ang aking mga palatuntunan, at inyong isasagawa: ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978