Levitico 9:7
Ang Biblia (1978)
7 At sinabi ni Moises kay Aaron, Lumapit ka sa dambana, (A)at ihandog mo ang iyong handog dahil sa kasalanan, at ang iyong handog na susunugin, at itubos mo sa iyong sarili at sa bayan: (B)at ihandog mo ang alay ng bayan, at itubos mo sa kanila; gaya ng iniutos ng Panginoon.
Read full chapter
Mga Hebreo 7:27-28
Ang Biblia (1978)
27 Na hindi nangangailangan (A)araw-araw na maghandog ng hain, na gaya niyaong mga dakilang saserdote (B)una-una'y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan: sapagka't (C)ito'y ginawa niyang (D)minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili.
28 Sapagka't inilagay ng kautusan na mga dakilang saserdote ang mga taong may kahinaan; nguni't ang salita ng (E)sumpa na kasunod ng kautusan ay siyang naglalagay sa (F)Anak, (G)na sakdal magpakailan man.
Read full chapter
Mga Hebreo 9:7
Ang Biblia (1978)
7 Datapuwa't sa (A)ikalawa ay pumapasok na (B)nagiisa ang dakilang saserdote, minsan sa isang taon, na hindi walang dalang dugo, na inihahandog na patungkol sa kaniyang sarili, at sa mga kamalian ng bayan:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978