Add parallel Print Page Options

Ang Talinghaga tungkol sa Balo at sa Hukom

18 At isinalaysay ni Jesus sa kanila ang isang talinghaga upang magturo sa kanila na dapat silang manalanging lagi at huwag panghinaan ng loob. Sinabi niya, “Sa isang lungsod ay may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang iginagalang na tao. Sa lungsod ding iyon ay may isang balo na laging nagpupunta sa hukom at sinasabi, ‘Humihingi ako ng katarungan laban sa aking mga kaaway.’

Read full chapter