Mateo 11:14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
14 Kung(A) naniniwala kayo sa pahayag na ito, si Juan na nga ang Elias na ipinangakong darating.
Read full chapter
Mateo 17:10-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
10 Tinanong(A) siya ng mga alagad, “Bakit po sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na dapat munang dumating si Elias?” 11 Sumagot(B) siya, “Darating nga si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. 12 At(C) sinasabi ko sa inyo, dumating na si Elias ngunit hindi siya kinilala ng mga tao, at ginawa nila kay Elias ang gusto nila. Kaya't tulad ng ginawa sa kanya, pahihirapan din nila ang Anak ng Tao.” 13 Naunawaan ng mga alagad na si Juan na Tagapagbautismo ang tinutukoy niya.
Read full chapter
Marcos 9:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 At(A) tinanong nila si Jesus, “Bakit po sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na dapat munang dumating si Elias?”
12 Tumugon(B) siya, “Darating nga muna si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. Ngunit bakit sinasabi din sa Kasulatan na ang Anak ng Tao'y hahamakin at magtitiis ng maraming hirap? 13 Subalit sinasabi ko sa inyo, dumating na nga si Elias at ginawa sa kanya ng mga tao ang nais nila, ayon sa nasusulat tungkol sa kanya.”
Read full chapter
Lucas 1:17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Mauuna(A) siya sa Panginoon na taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias upang pagkasunduin ang mga ama at ang kanilang mga anak, at panumbalikin ang mga suwail sa karunungan ng mga matuwid. Sa gayon, ipaghahanda niya ng isang bayan ang Panginoon.”
Read full chapter
Juan 1:21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
21 “Sino(A) ka kung gayon?” tanong nila. “Ikaw ba si Elias?”
“Hindi ako si Elias,” tugon niya.
“Ikaw ba ang Propeta?”
Sumagot siya, “Hindi rin.”
Read full chapter