Mateo 6:15
Ang Biblia (1978)
15 Datapuwa't (A)kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.
Read full chapter
Mateo 18:35
Ang Biblia (1978)
35 Gayon din naman ang gagawin (A)sa inyo ng aking Ama na nasa kalangitan, kung hindi ninyo patatawarin sa inyong mga puso, ng bawa't isa ang kaniyang kapatid.
Read full chapter
Lucas 6:38
Ang Biblia (1978)
38 Mangagbigay kayo, at kayo'y bibigyan; takal na mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw, ay ibibigay nila sa inyong (A)kandungan. Sapagka't sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin.
Read full chapter
Lucas 16:25
Ang Biblia (1978)
25 Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, (A)alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978