Add parallel Print Page Options

Ang Talaan ng mga Ninuno ni Jesucristo

Ang aklat ng talaan ng angkan ni Jesucristo, na anak ni David, na anak ni Abraham.

Naging anak ni Abraham si Isaac at naging anak ni Isaac si Jacob. Naging anak naman ni Jacob si Juda at ang kaniyang mga kapatid. Naging anak ni Juda kay Tamar sina Fares at Zara. Naging anak naman ni Fares si Esrom at naging anak ni Esrom si Aram. Naging anak ni Aram si Abinadab at naging anak ni Abinadab si Naason. Naging anak naman ni Naason si Salmon. Naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz at naging anak ni Booz kay Ruth si Obed. Naging anak naman ni Obed si Jesse.

Naging anak ni Jesse si haring David at naging anak ni haring David si Solomon sa naging asawa ni Urias. Naging anak ni Solomon si Rehoboam at naging anak ni Rehoboam si Abias. Naging anak naman ni Abias si Asa. Naging anak ni Asa si Jehosafat at naging anak naman ni Jehosafat si Joram. Naging anak naman ni Joram si Uzia. Naging anak ni Uzia si Jotam at naging anak ni Jotam si Acas. Naging anak naman ni Acas si Hezekia. 10 Naging anak ni Hezekia si Manase at naging anak naman ni Manase si Amon. Naging anak naman ni Amon si Josia. 11 Naging anak naman ni Josia si Jeconia at ang kaniyang mga kapatid. Ito ay noong ang mga taga-Israel ay dinalang bihag sa Babilonia.

12 Nang sila ay dinala sa Babilonia, naging anak ni Jeconia si Shealtiel. Naging anak ni Shealtiel si Zerubabel. 13 Naging anak ni Zerubabel si Abiud at naging anak ni Abiud si Eliaquim. Naging anak naman ni Eliaquim si Azor. 14 Naging anak ni Azor si Sadoc at naging anak ni Sadoc si Aquim. Naging anak naman ni Aquim si Eliud. 15 Naging anak ni Eliud si Eleazar at naging anak ni Eleazar si Matan. Naging anak naman ni Matan si Jacob. 16 Naging anak naman ni Jacob si Jose na asawa ni Maria. Si Maria ang nanganak kay Jesus na tinatawag na Cristo.

17 Samakatuwid, ang lahat ng sali’t saling lahi mula kay Abraham hanggang kay David ay labing-apat na lahi. Mula naman kay David hanggang sa panahon ng pagkabihag sa Babilonia ay labing-apat na sali’t saling lahi. Mula naman sa panahon ng pagkabihag sa Babilonia hanggang kay Cristo ay labing-apat na sali’t saling lahi.

Ipinanganak si Jesus

18 Ganito ang naging kapanganakan ni Jesucristo. Ang kaniyang inang si Maria ay nakatakdang mapangasawa ni Jose. Ngunit bago pa sila nagsama, si Maria ay natagpuang nagdadalang-tao na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

19 Si Jose na kaniyang asawa ay lalaking matuwid at hindi niya ginusto na mapahiya sa madla si Maria, kaya nagpasiya siyang paalisin nang lihim si Maria.

20 Samantalang iniisip niya ang mga bagay na ito, narito, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita sa kaniya sa isang panaginip. Sinabi ng anghel: Jose, ikaw na nagmula sa angkan ni David, huwag kang mangambang tanggapin si Maria na iyong asawa. Ito ay dahil ang dinadala niya sa kaniyang sinapupunan ay sa Banal na Espiritu. 21 Siya ay manganganak ng isang lalaki. Ang ipangangalan mo sa kaniya ay Jesus sapagkat ililigtas niya ang kaniyang mga tao sa kanilang kasalanan.

22 Ang lahat ng ito ay naganap upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga propeta. 23 Sinabi nila: Narito, isang dalagang birhen ang magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin nila siyang Emmanuel na ang ibig sabihin ay: Ang Diyos ay sumasaatin.

24 Sa pagbangon ni Jose mula sa pagkakatulog, ginawa niya ang ayon sa ipinag-utos sa kaniya ng anghel ng Panginoon. Tinanggap niya si Maria upang maging asawa. 25 Hindi niya sinipingan ang kaniyang asawa hanggang sa maipanganak niya ang kaniyang panganay na anak na lalaki. Pinangalanan siya ni Jose na Jesus.

Talaan ng Lahing Pinagmulan ni Jesu-Cristo(A)

Ito ang talaan ng lahing pinagmulan ni Jesu-Cristo, ang anak ni David at anak ni Abraham. Si Abraham ang ama ni Isaac, at si Isaac ang ama ni Jacob. Si Jacob ang ama ni Juda at ng mga kapatid nito, at si Juda ang ama nina Perez at Zera kay Tamar. Si Perez ang ama ni Hesron at si Hesron ang ama ni Aram. Si Aram ang ama ni Aminadab, at si Aminadab ang ama ni Naason, at si Naason naman ang ama ni Salmon. Si Salmon ang ama ni Boaz kay Rahab, at si Boaz ang ama ni Obed kay Ruth, si Obed naman ang ama ni Jesse, at si Jesse naman ang ama ni Haring David. Si David ang ama ni Solomon sa asawa ni Urias, si Solomon ang ama ni Rehoboam, si Rehoboam ang ama ni Abias, at si Abias ang ama ni Asaf. Si Asaf ang ama ni Jehoshafat, si Jehoshafat ang ama ni Joram, at si Joram ang ama ni Uzias. Si Uzias ang ama ni Jotham, si Jotham ang ama ni Ahaz, at si Ahaz ang ama ni Hezekias. 10 Si Hezekias ang ama ni Manases, si Manases ang ama ni Amos, at si Amos ang ama ni Josias. 11 Si Josias ang ama ni Jeconias at ng mga kapatid nito, noong sila'y dinalang-bihag sa Babilonia. 12 Pagkatapos ng pagkadalang-bihag sa Babilonia, si Jeconias ay naging ama ni Sealtiel at si Sealtiel naman ang ama ni Zerubabel. 13 Si Zerubabel ang ama ni Abiud, si Abiud ang ama ni Eliakim, at si Eliakim ang ama ni Azor. 14 Si Azor ang ama ni Zadok, si Zadok ang ama ni Akim, at si Akim ang ama ni Eliud. 15 Si Eliud ang ama ni Eleazar, si Eleazar ang ama ni Matan, at si Matan ang ama ni Jacob. 16 Si Jacob ang ama ni Jose, na asawa ni Maria, na siyang nagsilang kay Jesus, na tinatawag na Cristo. 17 Kaya't may labing-apat na salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David, labing-apat na salinlahi mula kay David hanggang sa pagkadalang-bihag sa Babilonia, at labing-apat ding salinlahi mula sa pagkadalang-bihag sa Babilonia hanggang kay Cristo.

Isinilang ang Cristo(B)

18 Ganito ang pangyayari sa pagsilang ni Jesu-Cristo. Nang si Maria na kanyang ina ay ipinagkasundong ikasal kay Jose, bago sila nagsama, si Maria ay natagpuang nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. 19 Sapagkat si Jose ay isang mabuting tao at hindi niya nais na malagay sa kahihiyan si Maria, siya'y nagpasya na hiwalayan na lamang ito nang lihim. 20 Subalit habang pinag-iisipan niya ang mga bagay na ito, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon na nagsasabi, “Jose, anak ni David, huwag kang mangambang pakasalan si Maria, sapagkat ang nasa sinapupunan niya ay mula sa Banal na Espiritu. 21 Magsisilang siya ng isang lalaki at ang ipapangalan mo sa kanya ay Jesus, sapagkat ililigtas niya ang kanyang sambayanan mula sa kanilang mga kasalanan.” 22 Naganap ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: 23 “Tingnan ninyo, ang birhen ay magdadalang-tao at magsisilang ng isang lalaki, at siya'y tatawagin sa pangalang Emmanuel” (na ang ibig sabihin ay, Ang Diyos ay kasama natin). 24 Paggising ni Jose, ginawa niya ang ipinag-utos sa kanya ng anghel ng Panginoon. Pinakasalan niya si Maria, 25 ngunit hindi siya nakipagtalik dito hanggang sa maisilang nito ang sanggol. At ang pangalang ibinigay sa kanya ni Jose ay Jesus.

Ang aklat ng (A)lahi ni Jesucristo, na (B)anak ni David, na (C)anak ni Abraham.

Naging anak ni (D)Abraham si Isaac; at naging anak ni Isaac si Jacob; at naging anak ni Jacob si Juda at ang kaniyang mga kapatid;

At naging anak ni Juda kay Tamar si Fares at si Zara; at naging anak ni Fares si Esrom; at naging anak ni Esrom si Aram;

At naging anak ni Aram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Naason; at naging anak ni Naason si Salmon;

At naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz; at naging anak ni Booz kay Rut si Obed; at naging anak ni Obed si Jesse.

At naging anak ni (E)Jesse ang (F)haring si David; at naging anak ni David si Salomon, doon sa naging asawa ni Urias;

At naging anak ni (G)Salomon si Reboam; at naging anak ni Reboam si Abias; at naging anak ni Abias si Asa;

At naging anak ni Asa si Josafat; at naging anak ni Josafat si Joram; at naging anak ni Joram si Ozias;

At naging anak ni Ozias si Joatam; at naging anak ni Joatam si Acaz; at naging anak ni Acaz si Ezequias;

10 At naging anak ni Ezequias si Manases; at naging anak ni Manases si Amon; at naging anak ni Amon si Josias;

11 At naging anak ni Josias si Jeconias at ang kaniyang mga kapatid, nang panahon ng (H)pagkadalang-bihag sa Babilonia.

12 At pagkatapos nang pagkadalangbihag sa Babilonia, ay naging anak ni (I)Jeconias si Salatiel; at naging anak ni Salatiel si Zorobabel;

13 At naging anak ni Zorobabel si Abiud; at naging anak ni Abiud si Eliaquim; at naging anak ni Eliaquim si Azor;

14 At naging anak ni Azor si Sadoc; at naging anak ni Sadoc si Aquim; at naging anak ni Aquim si Eliud;

15 At naging anak ni Eliud si Eleazar; at naging anak ni Eleazar si Matan; at naging anak ni Matan si Jacob;

16 At naging anak ni Jacob si Jose asawa ni Maria, na siyang nanganak kay Jesus, na siyang tinatawag na Cristo.

17 Sa makatuwid ang lahat ng mga salit-saling lahi buhat kay Abraham hanggang kay David ay labingapat na salit-saling lahi; at buhat kay David hanggang sa pagdalang-bihag sa Babilonia ay labingapat na sali't-saling lahi; at buhat sa pagkadalang-bihag sa Babilonia hanggang kay Cristo ay labingapat na sali't-saling lahi.

18 (J)Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan (K)ng Espiritu Santo.

19 At si Jose na kaniyang asawa, palibhasa'y lalaking matuwid, at (L)ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang kapurihan, ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim.

20 Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya (M)sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.

21 At siya'y manganganak ng isang lalake; (N)at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; (O)sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan (P)sa kanilang mga kasalanan.

22 At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,

23 Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao (Q)at manganganak ng isang lalake,
At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel;

na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios.

24 At nagbangon si Jose sa kaniyang pagkakatulog, at ginawa niya ang ayon sa ipinagutos sa kaniya ng anghel ng Panginoon, at tinanggap ang kaniyang asawa;

25 At hindi nakilala siya hanggang sa maipanganak ang isang lalake: at tinawag niya ang kaniyang pangalang JESUS.