Add parallel Print Page Options

At siya'y nangangatuwiran tuwing sabbath (A)sa sinagoga, at hinihikayat ang mga Judio at ang mga Griego.

Datapuwa't nang si Silas at si Timoteo ay (B)magsilusong mula sa (C)Macedonia, si Pablo ay napilitan sa pamamagitan ng salita, na sinasaksihan sa mga Judio na si (D)Jesus ang siyang Cristo.

At nang sila'y magsitutol at magsipamusong, (E)ay ipinagpag niya ang kaniyang kasuotan at sa kanila'y sinabi, Ang inyong dugo'y sumainyong sariling mga ulo: ako'y malinis: (F)buhat ngayo'y paparoon ako sa mga Gentil.

At siya'y umalis doon, at pumasok sa bahay ng isang lalaking nagngangalang Tito Justo, na (G)isang sumasamba sa Dios, na ang bahay niya'y karugtong ng sinagoga.

At si (H)Crispo, (I)ang pinuno sa sinagoga, ay nanampalataya sa Panginoon, pati ng buong sangbahayan niya; at marami sa mga taga Corinto na sa pakikinig ay nagsisampalataya, at pawang nangabautismuhan.

At sinabi (J)ng Panginoon kay Pablo nang gabi sa pangitain, Huwag kang matakot, kundi magsalita ka, at huwag kang tumahimik:

10 Sapagka't ako'y sumasaiyo, (K)at sinoma'y hindi ka madadaluhong upang saktan ka: sapagka't makapal ang mga tao ko sa bayang ito.

11 At siya'y tumahan doong isang taon at anim na buwan, na itinuturo sa kanila ang salita ng Dios.

Read full chapter

15 Sapagka't bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka't (A)kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.

Read full chapter

Hindi baga ako'y malaya? (A)hindi baga ako'y apostol? (B)hindi ko baga nakita si Jesus na Panginoon natin? (C)hindi baga kayo'y gawa ko sa Panginoon?

Read full chapter