Mga Gawa 22:4-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
4 Pinag-usig ko (A) ang mga tagasunod ng Daang ito hanggang sila'y mapatay. Ipinagapos ko sila at ipinabilanggo, maging lalaki at babae. 5 Ang Kataas-taasang Pari at ang buong kapulungan ng mga matatandang pinuno ng bayan ang makapagpapatotoo tungkol dito. Binigyan pa nga nila ako ng mga sulat para sa mga kasamahan nila sa Damasco at nagpunta ako roon upang dakpin ang mga tagasunod ng Daang ito at ibalik sila sa Jerusalem upang parusahan.
Read full chapter
Mga Gawa 26:9-11
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
9 Ako (A) man ay nag-akala noong una na marami akong dapat gawin laban sa pangalan ni Jesus na taga-Nazareth. 10 At iyan nga ang aking ginawa sa Jerusalem. Batay sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng mga punong pari, hindi ko lamang ikinulong sa mga bilangguan ang marami sa mga hinirang, kundi sumang-ayon pa ako nang sila'y ipapatay. 11 Madalas kong ginagalugad ang mga sinagoga, at sinuman sa kanila ang abutan ko roon ay aking pinarurusahan at pinipilit ko silang lumapastangan. Sa tindi ng galit ko sa kanila'y pinag-usig ko sila maging sa mga lungsod sa ibang lupain.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.