Roma 1:17
Magandang Balita Biblia
17 Sapagkat(A) sa Magandang Balita ay ipinapakita kung paano itinutuwid ng Diyos ang kaugnayan ng tao sa kanya. Ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas. Tulad ng sinasabi sa Kasulatan, “Ang itinuring ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.”[a]
Read full chapterFootnotes
- Roma 1:17 Ang itinuring…ay mabubuhay: o kaya'y Ang itinuring ng Diyos na matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya .
Galacia 3:11
Magandang Balita Biblia
11 Malinaw(A) na walang taong pinapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang itinuring ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.”[a]
Read full chapterFootnotes
- Galacia 3:11 Ang itinuring ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay: o kaya'y Ang itinuring ng Diyos na matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya .
Mga Hebreo 10:38
Magandang Balita Biblia
38 Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya,[a]
ngunit kung siya'y tatalikod,
hindi ko siya kalulugdan.”
Footnotes
- Mga Hebreo 10:38 Ang matuwid…pananampalataya: o kaya'y Ang taong tinatanggap ng Diyos dahil sa pananampalataya ay mabubuhay .
Isaias 11:9
Magandang Balita Biblia
9 Walang(A) mananakit o mamiminsala
sa nasasaklaw ng aking bundok na pinagpala;
sapagkat ang buong mundo ay mapupuno ng mga taong kumikilala kay Yahweh,
kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.