1 Samuel 2:35
Ang Biblia (1978)
35 At (A)ako'y magbabangon para sa akin ng isang tapat na saserdote, na gagawa ng ayon sa nasa aking puso at nasa aking pagiisip: (B)at ipagtatayo ko siya ng panatag na sangbahayan; at siya'y lalakad sa harap (C)ng aking pinahiran ng langis, magpakailan man.
Read full chapter
1 Mga Hari 2:24
Ang Biblia (1978)
24 Ngayon nga'y buhay ang Panginoon, na nagtatag sa akin, at naglagay sa akin sa luklukan ni David na aking ama, at siyang gumawa sa akin ng isang bahay, gaya ng kaniyang ipinangako, tunay (A)na si Adonia ay (B)papatayin sa araw na ito.
Read full chapter
1 Mga Hari 11:38
Ang Biblia (1978)
38 At mangyayari, kung iyong didinggin ang lahat na aking iniuutos sa iyo, at lalakad sa aking mga daan, at gagawin ang matuwid sa aking paningin, upang tuparin ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga utos, gaya ng ginawa ni David na aking lingkod; na ako'y sasa iyo, at ipagtatayo (A)kita ng isang tiwasay na sangbahayan, gaya ng aking itinayo kay David, at ibibigay ko sa iyo ang Israel.
Read full chapter
Mga Awit 127:1
Ang Biblia (1978)
Ang pananagana ay nagmumula sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni Salomon.
127 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay,
Walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo:
(A)Malibang ingatan ng Panginoon ang bayan,
Walang kabuluhang gumigising ang bantay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978