Font Size
2 Mga Hari 15:32-35
Ang Biblia (1978)
2 Mga Hari 15:32-35
Ang Biblia (1978)
Ang paghahari ni Jotham at ni Achas.
32 Nang ikalawang taon ni Peka na anak ni Remalias na hari sa Israel, ay nagpasimulang maghari si (A)Jotham na anak ni Uzzia na hari sa Juda.
33 Siya'y may dalawangpu't limang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jerusa na anak ni Sadoc.
34 At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon: kaniyang ginawa ang ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Uzzia.
35 (B)Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi nangaalis: ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako. (C)Itinayo niya ang mataas na pintuang-bayan sa bahay ng Panginoon.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978