Deuteronomio 1:15-16
Ang Biblia (1978)
15 Sa gayo'y kinuha ko sa inyo ang mga pangulo ng inyong mga lipi, na mga taong pantas, at kilala, (A)at akin silang ginawang pangulo sa inyo, na mga punong kawal ng libolibo, at mga punong kawal ng mga daandaan, at mga punong kawal ng mga limangpu-limangpu, at mga punong kawal ng mga sangpusangpu, at (B)mga pinuno ayon sa inyong mga lipi.
16 At aking pinagbilinan ang inyong mga hukom nang panahong yaon na sinasabi, Inyong dinggin ang mga usap ng inyong mga kapatid, at inyong hatulan ng matuwid ang tao at ang kaniyang kapatid, at ang taga ibang lupa na kasama niya.
Read full chapter
Deuteronomio 16:18
Ang Biblia (1978)
18 Maghahalal ka sa iyo ng (A)mga hukom at ng (B)mga pinuno sa lahat ng iyong mga pintuang-daan, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ayon sa iyong mga lipi: at sila'y hahatol sa bayan ng matuwid na paghatol.
Read full chapter
2 Cronica 19:5
Ang Biblia (1978)
5 At siya'y naglagay ng mga (A)hukom sa lupain sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda (B)sa bayan at bayan.
Read full chapter
2 Cronica 19:10
Ang Biblia (1978)
10 (A)At anomang kaalitan ang dumating sa inyo na mula sa inyong mga kapatid na nagsisitahan sa kanilang mga bayan, na dugo't dugo, kautusan at utos, mga palatuntunan at mga kahatulan, ay inyong papayuhan sila, upang sila'y huwag maging salarin sa Panginoon, at sa gayo'y kapootan ay huwag dumating sa inyo, at sa inyong mga kapatid: ito'y inyong gawin, at kayo'y hindi magiging salarin.
Read full chapter
Mga Gawa 6:3
Ang Biblia (1978)
3 Magsihanap nga kayo, mga kapatid, sa inyo, (A)ng pitong lalake na may mabuting katunayan, puspos ng Espiritu at ng karunungan, na ating mailalagay sa gawaing ito.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978