Ezekiel 8:3
Ang Biblia (1978)
3 At kaniyang (A)inilabas ang anyo ng isang kamay, at hinawakan ako sa buhok ng aking ulo; at itinaas ako (B)ng Espiritu sa pagitan ng lupa at ng langit, at dinala ako (C)sa pangitain na mula sa Dios sa Jerusalem, sa pintuan ng pintuang-daan ng pinakaloob na looban na nakaharap sa dakong hilagaan; (D)na kinaroroonan ng upuan (E)ng larawan ng panibugho, (F)na namumungkahi sa paninibugho.
Read full chapter
Ezekiel 11:1
Ang Biblia (1978)
Ang mga masasamang pinuno.
11 Bukod dito'y itinaas ako (A)ng Espiritu, at dinala ako sa (B)pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon, na nakaharap sa dakong silanganan: at narito, (C)nasa pinto ng pintuang-daan ang dalawang pu't limang lalake; at nakita ko sa gitna nila si Jaazanias na anak ni Azur, at si Pelatias na anak ni Benaias, na mga prinsipe ng bayan.
Read full chapter
Ezekiel 11:24
Ang Biblia (1978)
24 At itinaas ako (A)ng Espiritu, at dinala ako sa pangitain sa Caldea sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios, sa kanila na mga bihag. Sa gayo'y ang pangitain na aking nakita ay napaitaas mula sa akin.
Read full chapter
Ezekiel 43:5
Ang Biblia (1978)
5 At (A)itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa lalong loob na looban; at, narito, napuno (B)ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay.
Read full chapter
1 Mga Hari 18:12
Ang Biblia (1978)
12 At mangyayari, pagkahiwalay ko sa iyo (A)na dadalhin ka ng Espiritu ng Panginoon sa hindi ko nalalaman; na anopa't pagka ako'y pumaroon at isinaysay ko kay Achab, at ikaw ay hindi niya nasumpungan, papatayin niya ako: nguni't akong iyong lingkod ay natatakot sa Panginoon mula sa aking pagkabinata.
Read full chapter
Mateo 4:1
Ang Biblia (1978)
4 Nang magkagayo'y inihatid ng Espiritu Santo si (A)Jesus sa ilang upang siya'y tuksuhin ng diablo.
Read full chapter
Lucas 4:1
Ang Biblia (1978)
4 At si Jesus, na (A)puspos ng Espiritu Santo ay (B)bumalik mula sa Jordan at inihatid (C)ng Espiritu sa ilang,
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978