Genesis 12:7
Ang Biblia (1978)
7 At napakita ang Panginoon kay Abram, at nagsabi, (A)Sa iyong lahi ay ibibigay ko ang lupaing ito: at siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na napakita sa kaniya.
Read full chapter
Genesis 15:18
Ang Biblia (1978)
18 Nang araw na yaon, ang Panginoon ay (A)nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, (B)Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.
Read full chapter
Genesis 17:7-8
Ang Biblia (1978)
7 (A)At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y (B)magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.
8 (C)At ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi, pagkamatay mo, ang lupaing iyong mga pinaglakbayan, ang buong lupain ng Canaan, na pagaaring walang hanggan (D)at ako ang magiging Dios nila.
Read full chapter
Genesis 26:4
Ang Biblia (1978)
4 At aking (A)pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito: (B)at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa;
Read full chapter
Genesis 28:13
Ang Biblia (1978)
13 (A)At, narito, ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon, at nagsabi, (B)Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac: (C)ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978